Dalawang saknong na tula na may
tayutay, sukat at tugma. Tula para sa aking mga kaibigan =)) Pagpasensyahan at
ako’y hindi propesiyonal. Ito ay base lamang sa aking nalaman, natutunan at
naisipan.
I.
Ako man ay parang inyong alilang kanin,
Alam kong hindi niyo ako lilisanin
Malayo man na tila isang bituin
Nandiyan kayo lagi ‘pag dumidilim.
II.
Kayong aking mga kaharimang suklay
Ito ay laging i-krus niyo sa kamay
Kahit kayo’y laging dalawa ang bibig
Hindi ko kayo ililista sa tubig
Mga Kahulugan ng
Tayutay na ibinigay :
Alilang kanin – Hindi pinapasweldo pero pinapakain
Kaharimang Suklay – Matatalik na kaibigan; Kaibigan
I-krus sa kamay – Laging Tandaan; Isa-ulo;
Dalawa ang bibig – Sobrang Madaldal; Matalak
Ililista sa tubig – Kakalimutan; Iiwan; Lilisanin
Paliwanag ng ilang
linya sa saknong (Malayang Pagsusulat) =)) :
Ako man ay parang
inyong alilang kanin– Yung mga kaibigan ko kasi, sila yung
nililibre ako, pinapakain ako pag walang lunch. O kaya naman minsan kumukuha
ako ng pagkain sa kanila / nakikikain ^^ Syempre nagpapasalamat ako. Hindi
naman nila ako pinapasahod o binibigyan ng pera, pinapakain lang
paminsan-minsan.
Alam kong hindi niyo
ako lilisanin– Bilang
isang matalik na kaibigan. Kahit anong dumating na problema, magkagalit man
kayo o kaya magkatampuhan (etc..) Magkakabati pa rin kayo kasi miss niyo ang
isa’t isa at hindi niyo kaya mawala/makalimutan ang pagsasama niyo. Hindi ba??
Malayo man na tila
isang bituin … Nandiyan kayo lagi ‘pag dumidilim – Kahit hindi ko sila naging kaklase
ng daawang taon na .. Kahit malayo sila, nakikita ko sila lagi sa dilim dahil
sa liwanag nila. Alam kong laging nandiyan sila para sa akin kapag malungkot
ako o kaya pag may problema at unos na dumating sa ‘kin. At tuwing hindi na
kadiliman, nandiyan pa rin naman sila bilang araw. =))
Ika nga sa linya ng
isang kanta: Magkalayong agwat.. gagawin ang lahat
Kayong aking mga kaharimang suklay… Ito ay laging i-krus niyo sa kama … Kahit kayo’y
laging dalawa ang bibig … Hindi ko
kayo ililista sa tubig – Kahit napaka talak niyo, daldal at
kulit minsan, hindi iyon sapat na dahilan upang kalimutan ko kayo. Sana lagi
niyong tatandaan ang linyang iyon.
Friendship never ends =))) Tropang MARAJ
Forever <3
Nagdrama
pa ako ehh ! Sana makatulong ako ! ^^