Sabado, Hulyo 5, 2014

[FILIPINO][SAMPLE] Tulang may Tayutay, Sukat(12) at Tugma. Dalawang saknong.




Dalawang saknong na tula na may tayutay, sukat at tugma. Tula para sa aking mga kaibigan =)) Pagpasensyahan at ako’y hindi propesiyonal. Ito ay base lamang sa aking nalaman, natutunan at naisipan.

I.
Ako man ay parang inyong alilang kanin,
Alam kong hindi niyo ako lilisanin
Malayo man na tila isang bituin
Nandiyan kayo lagi ‘pag dumidilim.

II.
Kayong aking mga kaharimang suklay
Ito ay laging i-krus niyo sa kamay
Kahit kayo’y laging dalawa ang bibig
Hindi ko kayo ililista sa tubig

Mga Kahulugan ng Tayutay na ibinigay :

Alilang kanin – Hindi pinapasweldo pero pinapakain
Kaharimang Suklay – Matatalik na kaibigan; Kaibigan
I-krus sa kamay – Laging Tandaan; Isa-ulo;
Dalawa ang bibig – Sobrang Madaldal;  Matalak
Ililista sa tubig – Kakalimutan; Iiwan; Lilisanin

Paliwanag ng ilang linya sa saknong (Malayang Pagsusulat) =)) :

Ako man ay parang inyong alilang kaninYung mga kaibigan ko kasi, sila yung nililibre ako, pinapakain ako pag walang lunch. O kaya naman minsan kumukuha ako ng pagkain sa kanila / nakikikain ^^ Syempre nagpapasalamat ako. Hindi naman nila ako pinapasahod o binibigyan ng pera, pinapakain lang paminsan-minsan.

Alam kong hindi niyo ako lilisanin– Bilang isang matalik na kaibigan. Kahit anong dumating na problema, magkagalit man kayo o kaya magkatampuhan (etc..) Magkakabati pa rin kayo kasi miss niyo ang isa’t isa at hindi niyo kaya mawala/makalimutan ang pagsasama niyo. Hindi ba??

Malayo man na tila isang bituin … Nandiyan kayo lagi ‘pag dumidilim – Kahit hindi ko sila naging kaklase ng daawang taon na .. Kahit malayo sila, nakikita ko sila lagi sa dilim dahil sa liwanag nila. Alam kong laging nandiyan sila para sa akin kapag malungkot ako o kaya pag may problema at unos na dumating sa ‘kin. At tuwing hindi na kadiliman, nandiyan pa rin naman sila bilang araw. =))
Ika nga sa linya ng isang kanta: Magkalayong agwat.. gagawin ang lahat

Kayong aking mga kaharimang suklay… Ito ay laging i-krus niyo sa kama … Kahit kayo’y laging dalawa ang bibig … Hindi ko kayo ililista sa tubig – Kahit napaka talak niyo, daldal at kulit minsan, hindi iyon sapat na dahilan upang kalimutan ko kayo. Sana lagi niyong tatandaan ang linyang iyon.

 Friendship never ends =))) Tropang MARAJ Forever <3


                                                                                                                                                                Nagdrama pa ako ehh ! Sana makatulong ako ! ^^







6 (na) komento:

  1. salamat po love u nakatulong sakin sakto sa hinahanap ko dalawang saknong pero po sana pakilagay kung anong uri ng tayutay ang iyong ginamit tnx po ulit

    TumugonBurahin
  2. maraming salamat po!! :)

    TumugonBurahin
  3. Pwede po ba mag pagawa ako ng tula na may tayutay thank yoü

    TumugonBurahin
  4. maari po bang magpagawa ng tula?

    TumugonBurahin
  5. Hello! Maaari ko bang gamitin ang iyong Tula bilang isang halimbawa sa aking report?

    TumugonBurahin